Mainit na hardcourt action, asahan sa pagitan ng GSIS Furies at COA Enablers sa Linggo

by Radyo La Verdad | November 2, 2017 (Thursday) | 3451

Mainit na bakbakan ang matutunghayan sa darating na Linggo sa pagpapatuloy ng first round eliminations ng UNTV Cup Season 6.

Magtutuos ang GSIS Furies at Rookie Team COA Enablers sa first game, alas dos ng hapon sa Pasig City Sports Center.

Kapwa uhaw sa tagumpay ang dalawang koponan na wala pang naipapanalo sa kanilang mga nagdaang laban.

Ang GSIS ay may 0- 2 win loss record, habang ang COA naman ay wala pang panalo sa nakalipas na tatlong laban.

Ayon kay Enablers Headcoach Freddie Hubalde, sisiskapin nilang masungkit ngayon ang panalo.

Pangungunahan ang COA ng bigman na sina former professional basketball player Estong Ballesteros at Arnold Gamboa.

Si Ballesteros ay kumamada ng 18 points, 13 rebounds, 5 assist at isang steal sa kanilang huling laban sa PNP Reponders noong October 22. Habang si Gamboa naman ay mayroong 31 points at 14 rebounds.

Samantala, ang GSIS naman ay pangungunahan nina Renny Boy Banzali at Dennis Bunyi. Ang GSIS ay tinalo ng Senate Defenders noong nakaraang October 15 sa score na 91- 81.

Nanguna sina Banzali na may 14 points at dalawang rebound, habang si Bunyi naman ay may 10 points.

Samantala, aabangan rin ang sagupaan ng DA Food Masters at Malacañan PSC – Kamao sa second game alas tres y meyda ng hapon.

Habang Senate Defenders at defending champion PNP Responders naman sa main game, ala singko y medya ng hapon.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,