Resolusyon upang kilalanin ang pagkapanalo ng Senate Defenders sa UNTV Cup Season 6, inaprubahan sa plenaryo

by Radyo La Verdad | March 14, 2018 (Wednesday) | 8210

Hindi mailarawan ang katuwaan ng mga senador nang masungkit ng Senate Defenders ang kauna-unang kampiyonato sa UNTV Cup kontra Malacañang PSC Kamao.

Humanga naman ang ilang senador at maging si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa kakaibang konsepto ng pagtulong sa kapwa na ikinakampanya ng liga ng mga public servants.

Nagpapasalamat din si Go sa UNTV dahil sa napakalaking na tulong na naibahagi nito sa kanila lalong-lalo na sa mga napiling beneficiary.

Labis namang ipinagmalaki ang naging tagumpay, hindi lamang ng mga taga-suporta ng Senate Defenders, kundi maging ang buong Senado.

Kahapon, inisponsor sa plenaryo ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang resolusyon upang kilalanin ang pagkapanalo ng Senate Defenders sa UNTV Cup noong Lunes.

Lahat ng senador ay naging co-sponsor ng resolusyon at agad naman itong inaprubahan ng plenaryo.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,