Automatic slot sa semi finals ng UNTV Cup Season 6, nakuha ng AFP Cavaliers

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 4486

Pasok na sa semi- finals ang two time champion AFP Cavaliers matapos talunin ang nha builders  sa main game ng triple header kahapon ng UNTV Cup Season 6 sa Pasig City Sports Center.

Sa first quarter abante agad ng 11 points ang Cavaliers, humabol ang NHA at binaligtad ang sitwasyon sa second quarter , 46 – 39.

Hindi naman nagpasindak ang koponan ng mga sundalo at bumuwelta sa third quarter , 63 – 69. Sa last quarter, naka-tabla sa score na 80 points ang NHA sa last 4 minutes and 20 seconds ng ballgame. Naging mainit ang bakbakan sa mga huling sandali ng laban bago maubusan ng oras ang naghahabol na nha sa score na 96 – 89.

Tinanghal na best player of the game si Jerry Lumongsod na kumamada ng 19 points 5 rebounds, 3 assist at isang steal.

Bumawi mula sa nakadidismayang pagkatalo ang Senate Defenders noong nakaraang linggo matapos tambakan ang PDEA Drug Busters sa second game kahapon sa score na 96- 73.

Nanguna sa Defenders si Senator Joel Villanueva na may 22 points, isang assist at 2 steals kaya tinanghal na best player of the game.

Samantala, tinalo naman ng Malacañan – PSC Kamao ang GSIS Furies sa first game sa score na 75-72. Dahil sa panalo umangat sa 6-2 winloss record ang Kamao, kaagapay ng Senate Defenders at Judiciary Magis.

Habang ang Furies na may 5 panalo at 4 na talo ay nalagay naman sa must win situation sa next game sa linggo kontra NHA Builders upang umabante sa quarter finals.

Sa ngayon ay nangunguna ang AFP Cavaliers na may walong panalo at isa pa lamang na talo.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,