Lawak ng saklaw ng batas militar sa Mindanao, posible umanong mabago – PNP Chief

by Radyo La Verdad | July 14, 2017 (Friday) | 3374

Posibleng irekomanda ng PNP at AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabago sa lawak ng masasakop ng batas militar sa Mindanao sakaling palawigin ang 60 day period nito.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa marami silang isinasaalang alang sa kanilang rekomendasyon.

Ngayong araw nakatakdang isumite ng AFT at PNP ang kanilang position paper kaugnay sa planong extension ng martial law.

Ayon naman kay AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, posible naman na samantalahin ng pangulo na ianunsyo ang pagpapalawig sa batas militar kasabay ng State Of the Nation address nito sa July 24.

Sa July 22 magtatapos ang 60 day period ng martial law declaration ni Pangulong Duterte.

Tags: , ,