Labi ni dating Pangulong Marcos, mananatili sa libingan ng mga bayani

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 14997

Pinagtibay ng korte ang naunang desisyon na pumapayag na mailagak ang mga labi ni dating Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.

Sampu ang bumoto pabor sa desisyon. Ito ay sina Associate Justice Presbitero Velasco Jr., Associate Justice Diosdado Peralta, Associate Justice Lucas Bersamin, Associate Justice Mariano del Castillo, Associate Justice Teresita de Castro, Associate Justice Jose Mendoza, Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, Associate Justice Samuel Martires, Associate Justice Noel Tijam, Associate Justice Andres Reyes Jr.

Tutol naman sa desisyon sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justice Marvic Leonen, Associate Justice Francis Jardeleza, Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Hindi rin pinagbigyan ang hiling ni Albay Rep. Edcel Lagman na ipahukay at alisin doon ang mga labi ng dating pangulo.

Dismayado naman ang mga petitioner sa desisyon at plano ni Rep. Lagman na maghain ng panibagong mosyon tungkol dito.

Noyembre noong nakaraang taon, inilibing ang mga labi ng dating Pangulo matapos i-dismiss ng korte ang mga petisyon laban sa Marcos burial.

Tags: , ,