Pasok sa mga korte at Senado, kanselado

by Radyo La Verdad | July 18, 2018 (Wednesday) | 5245

Muling sinuspinde ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang trabaho sa lahat ng korte sa National Capital Region (NCR) ngayong araw dahil sa masamang panahon.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office Chief Theodore Te, sakop ng kautusan ang Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.

Samantala, kinansela na rin ng Senado ang pasok sa lahat ng tanggapan dito.

Gayunman, tuloy ang bicameral conference sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) tulad kahapon.

 

Tags: , ,