8 kandidato, pasok sa shortlist ng JBC para sa susunod na SC justice

by Radyo La Verdad | June 26, 2018 (Tuesday) | 6009

Pasok sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) ang walong mga kandidato para sa susunod na mahistrado ng Korte Suprema, kapalit ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr. na magreretiro na ngayong ika-8 ng Agosto.

Napabilang sa listahan sina Court Administrator Jose Midas Marquez, Court of Appeals Associate Justices Jose Reyes Jr., Rosemari Carandang, Ramon Garcia, Apolinario Bruselas Jr, Ramon Hernando at Amy Lazaro-Javier at si dating Ateneo Law Dean Cesar Villanueva.

Sa naturang listahan pipili si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang panlimang appointee sa Korte Suprema.

Tags: , ,