Kumpanyang New Dawn Enterprises, sinampahang muli ng Bureau of Customs ng kasong smuggling sa DOJ.

by dennis | May 7, 2015 (Thursday) | 1694

ALBERT LINA

Sinampahan ng kasong smuggling ng Bureau of Customs ang kumpanyang New Dawn Enterprises na pagmamay-ari ni Michael Abella, dahil sa pagpupuslit ng 260,000 kilo ng asukal na nagkakahalaga ng P13 million.

Naganap operasyon sa pantalan ng Cagayan De Oro noong nakaraang Disyembre 2014 kung saan sa halip na mga Kitchenwares at mga tiles ang dumating ay mga asukal ang nakita sa mga malalaking container van.

Nahaharap si Abella at ang naturang kumpanya sa mga kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines at SRA Sugar Order No. 8 kung saan hindi sila nakapagsumite ng permit upang mag-angkat ng naturang mga produkto.

Ito ang pangatlong kasong naisinampa nila sa Department of Justice kung saan nakapagsampa sila noong Enero (January 13, 2015) at Marso (March 19, 2015) taong kasalukuyan kung saan illegal din silang nag-import ng bigas, taliwas sa idineklara din nilang mga kitchenwares at tiles.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina, hindi nila papayagan ang ganitong klase ng traders na walang konsensiya dahil malaking banta ang mga ito sa lipunan dahil makakaapekto ito sa ekonomiya ng bansa. Aniya, maraming lehitimong negosyante ang maaaring malugi dahil sa smuggling. (Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , , , ,