Kilos-protesta ng Piston sa Naga City, 10 lang ang nakasama dahil hindi raw alam ng kanilang mga miyembro

by Radyo La Verdad | June 25, 2018 (Monday) | 10462

Tila hindi naman naramdaman ang kilos-protesta ng Condor-Piston sa Naga City, Camarines Sur.

Alas otso y medya ng kaninang umaga nang magsimulang magtipon ang grupo dito sa Naga City, Plaza Rizal.

Pangunahing tinututulan ng Condor-Piston ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at ang jeepney modernizatiuon program.

Mula umaga hanggang tanghali ay nasa sampung jeepney driver at operator lamang ang nakiisa sa kanilang kilos-protesta mula sa kabuuan nilang tatlong daan miyembro dito sa Camarines Sur.

Katwiran ng ibang jeepney driver, hindi naman nila alam na mayroon pala silang kilos-protesta.

Aminado naman si Joel Pillogo ang presidente ng Condor-Piston sa Camarines Sur na hindi nasabihan ang karamihan nilang miyembro. Pakiusap pa ng Piston dapat daw ay sinusuportahan sila ng lokal na pamahalaan.

Samantala, dahil kakaunti lamang ang sumama sa kilos-protesta, hindi naman ito nagdulot ng abala sa mga pasahero.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

Tags: , ,