Piston at iba pang transport groups may tigil pasada ulit sa Dec. 14-15

by Radyo La Verdad | December 12, 2023 (Tuesday) | 5567

METRO MANILA – Muli na namang magsasagawa ng tigil-pasada ang grupong Piston kasama ang iba pang transport groups.

Ito ay bilang protesta sa nalalapit na deadline ng franchise consolidation para sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Ayon sa Piston isasagawa ang transport strike sa darating na Huwebes at Biyernes, December 14 hanggang 15 .

Nauna nang iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na babaguhin ang December 31 deadline ng franchise consolidation.

Tags: , ,