Kaso ng Dengue sa bansa mula Enero mahigit 208,000 na – DOH

by Erika Endraca | August 28, 2019 (Wednesday) | 32768

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 208,000 ang kaso ng dengue sa Pilipinas mula pa noong Enero hanggang Agosto 10 ngayong taon, halos 900 na rin ang namatay base sa ulat ng Department of Health (DOH).

10-rehiyon na rin sa bansa ang umabot sa Dengue Epidemic Treshold kabilang ang Metro Manila. Ayon sa tagapagsalita ng san lazaro hospital, 100 dengue patient ang naco-confine sa kanila araw-araw simula pa nitong Hulyo.

“We’re only in august, just august, so we still have months to come with rains. ((so in fact, we feel the dengue season started late this year, although in the provinces there are already cases and the department of health’s predictions have been right, we might see so many cases of dengue, so)) we still expect to see cases of dengue until the end of the year, so until the rains are here, there will still be dengue cases, so we have to be careful.” ani San Lazaro Hospital Spokesperson Ferdinand De Guzman.

Ikinababahala ng ilang magulang ang pagkalat ng dengue sa Pilipinas. Kaya naman kaagad nilang itinakbo sa ospital ang kanilang mga anak ng nakitaan ng sintomas ng dengue.

Puspusan din ang ginagawang fogging ng mga residente at pinuno ng mga barangay sa kani- kaniyang lugar upang maagapan ang pagdami ng dengue cases sa kanilang tinitirhan. 

Samantala, patuloy ang panawagan ng DOH na panatlihin ang kalinisan sa mga lugar upang maiwasang pamugaran ng mga lamok na may dalang dengue virus.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,