Karamihang dokumentong isinumite ni Trillanes, tinanggap ng korte bilang ebidensya

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 6445

Pasok bilang ebidensya ang karamihan sa mga dokumentong ipinasa ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV batay sa naging desisyon ni Judge Andres Soriano ng Makati RTC Branch 148.

Ilan sa mga admitted evidence ay ang certificate of amnesty, salaysay ng mga nagproseso ng aplikasyon at 2 tauhan ng senador, larawan ng mismong araw ng aplikasyon at mga dokumentong inisyu ng DND.

Sa kabila nito, may ilang mga ebidensya ring hindi tinanggap ni Judge Soriano gaya ng printout ng official facebook page ng DND at print out ng throwback picture ni Sen. Trillanes.

Inaasahan namang anomang oras simula ngayon o sa susunod na linggo ay maglalabas na ng resolusyon si Judge Soriano kung kakatigan ang pagpa-aresto sa senador.

Samantala sa Makati RTC Branch 150, binigyan ni Judge Elmo Alameda ng 5 araw ang kampo ni Trillanes upang sagutin ang pagtutol ng DOJ sa hinggil nito na baliktarin ang naunang desisyon ng korte.

Matatandaang kinatigan ng korte ang hiling ng DOJ na ipaaresto ang senador ngunit pinayagan naman itong maglagak ng piyansa upang pansamantalang makalaya.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,