Kampanya para sa pagkakaroon ng malinis na tubig, pinai- igting ng Department of Health

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 2416

AIKO_DIARRHEA
Tumataas ang bilang ng mga kaso ng Diarrhea outbreak sa ilang munispalidad sa probinsya ng Samar.

Isa na rito ang Catbalogan City, Samar na may naiulat na 887 suspected Diarrhea cases mula April 1, 2016 hanggang June 25, 2016.

Ang tatlong barangay sa Catbalogan City, Samar na may mataas na bilang ng kaso nito ay ang Brgy. Bunuanan na may 138 cases, Brgy. Canlapwas na may 86 at ang Brgy.Mercedes na may 75 diarrhea cases.

Katulong ngayon ng DOH ang Department of Science and Technology, Department of Environment and Natural Resources at ang Local Waterworks Utilities Administration upang matukoy ang mga lugar sa bansa na may mga kontaminadong water sources.

Bukod sa diarrhea ay natukoy din ng DOH ang pagkakaroon ng Arsenicosis o isang sakit na nagsisismula sa pagkakaroon ng tila kulugo, rashes at skin allergies sa balat na nakukuha sa kontaminadong tubig.

Sa buwan ng June 2016, may naitalang 123 cases naman sa Central Luzon dahil sa mataas na kaso ng Arsenicosis.

93 pasyente na ang naipagamot at imo-monitor pa ang kanilang kalagayan sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Sa pagaaral, karaniwan na ang mga taga Gitnang Luzon ang nagkakaroon nito dahil ang kanilang mga water source gaya ng mga water pumps o poso, deep well o balon ay malapit sa pinangyarihan nang volcanic eruption.

Kasalukuyan ng ipinapagamot ang mga pasyente upang hindi na lumala pa sa ibang komplikasyon gaya ng pneumonia, severe dehydration at malnutrition.

Ang Dutch Risk Reduction Team naman ang kaisa ng kagawaran upang turuan ang ating mga kababayan sa Central Luzon kung papaano malulunasan ang Arsenic contamination ng kanilang mga water supply system.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,