METRO MANILA – Nakapagtitinda na si nanay Maricel Cadudu-An sa kaniyang bagong bukas na munting sari-sari store, dahil sa puhunang inihatid ng MCGI Cares at ng Serbisyong Bayanihan team sa kanilang lugar sa Prk.7, Brgy. Tugos, Camarines Norte nitong January 31.
Lima ang anak ni nanay Maricel, 3 taon ang bunso at 14 naman ang panganay, 4 dito ay nag-aaral.
Sa P250-300 na kinikita ni nanay sa kaniyang trabaho pilit niyang itinataguyod ang 5 anak, kaya naman masaya si nanay at ang kaniyang pamilya nang madala na at mailatag sa kaniyang bahay ang items.
“Masayang-masaya po ako sa natanggap kong tulong mula po sa inyo at makaka-asa po kayo na palalaguin kopo itong ibinigay niyong tulong sa pamilya ko. Maraming-maraming salamat po sa Dios,” ani nanay Maricel.
Granted na rin ang tablet para sa mga anak ni nanay Maricel para makatulong sa pag-aaral ng kaniyang mga anak.
Gayon din ay napangiti ng SB at ng MCGI Cares ang kapatid ni nanay na si Bonifacio Agan isang visually impaired dahil sa ibinigay na bagong gitara na isa sa kaniyang mga kahilingan.
(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)
Tags: MCGI Cares, Serbisyong Bayanihan