MCGI libreng sakay post na handog ng isang jeep, hinangaan ng netizens

by Radyo La Verdad | December 20, 2022 (Tuesday) | 1648

Umani ng paghanga mula sa mga netizen ang isang viral post ngayon sa social media kung saan nag-aalok ng libreng sakay ang isang pampasaherong jeep sa Malvar, Batangas.

Batay sa larawan na ini-upload ni John Rav Saminado, makikita sa loob ng isang jeep ang karatula kung saan nakasulat ang MCGI Cares libre po ang PWD at senior.

Ayon sa nagpost, nakatataba ng puso na makita ang ganitong klase ng pagmamahal sa kapwa.

Marami naman natuwa at humanga sa driver ng nasabing jeep at umaasa na magsisilbi itong halimbawa sa iba pa nating mga kababayan.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa dalawang libong shares at halos tatlong libong reactions ang nasabing post.

Tags: ,