Integridad ng pagpapatayo ng imprastraktura, dapat sigurihin ng administrasyong Duterte – Cong. Edcel Lagman

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 2229


Hindi sumasang-ayon si Albay 1st Disctrict Rep. Edcel Lagman sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa estado mga bansa.

Sa programang Get it Straight with Daniel Razon, sinabi ni Cong. Lagman na hindi solusyon sa nararasang problema ng bansa ang pagpapatupad ng kamay na bakal.

Gayunman, paglilinaw ni Cong. Lagman, may ilang sinasang-ayunan rin siya tulad ng pinaplanong infrastructure projects ng administrasyon.

Sang-ayon rin siya sa posisyon ng pangulo pagdating sa Reproductive Health law pero hinahamon niyang ang pangulo na magpakita ng political will para ipatupad ito.

Nanawagan naman siya sa mga kapwa mambabatas sa kamara na sanay maging totoo sila sa tungkulin nila na nakasaad sa konstitusyon na mananatili silang independent policy making bodies at huwag nalang basta sumasang-ayon sa mga ito .

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,