Tatagal ng hanggang mamayang alas diyes pa ng gabi ang nararanasang power service interruptions sa Bulusan hanggang Balabac sa Muntilupa City.
Habang hanggang alas singko naman ng hapon sa bahagi ng Alabang at Ayala, Alabang.
Sa kapareho ring oras pa magkakaroon ng suplay ng tubig ang mga apektadong lugar sa Barangay Almanza Uno at Dos, Pamplona Uno hanggang Pamplona Tres, Pulanglupa Dos at Talon Uno hanggang Talon Singko.
Tags: Las Piñas, Muntinlupa, tubig
METRO MANILA – Lumipad kahapon (July 28) patungong probinsya ng Abra si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior. Kasama niya ang ilan sa mga miyembro ng kaniyang gabinete.
Sa situation briefing kasama ang mga local officials ng Abra, sinabi ng pangulo na mahalagang maibalik agad ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa La Union, Ilocos Norte at Abra.
Maging ang pagbabalik ng suplay ng tubig na pinakamahalaga aniya sa lahat.
Kasunod ng matinding lindol, nais ni Pangulong Marcos na bumili ang pamahalaan ng water purifying system na magagamit tuwing may kalamidad.
Bukod sa pagbabalik ng suplay ng kuryente at tubig, pinauuna rin ng pangulo na mainspeksyon ng mga engineer ang mga ospital, clinics at health centers upang malaman kung ligtas pa itong gamitin matapos ang nangyaring lindol.
Inalam rin ni Pangulong Marcos kay DSWD Secretary Erwin Tulfo kung papaano pa matutulungan ang mga pamilyang nasira ang kanilang tahanan.
Sa huli pinatitiyak ni PBBM na matutugunan ang pangangailangan ng mga naging biktima ng lindol lalo sa mga pansamantalang lumikas.
Muling binigyang diin ng pangulo ang pakikipag-ugnayan ng national government agencies sa mga lokal na ahensya upang ma-maximize ang assets ng pamahalaan.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Manila, Philippines – Nakakaranas ng mahinang water pressure o tuluyang pagkawala ng supply ng tubig ang mga kostumer ng Maynilad sa ilang barangay sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at Cavite simula kahapon.
Ito ay dahil sa ipinatutupad na emergency water service interruption ng water concessionaire.
Paliwanag ng maynilad lilinisin nila ang kanilang water treatment facility dahil pinasok na ito ng algae o lumot na nangagaling sa Laguna lake. Kailangan nilang agad lunasan ang problema upang maiwasan na makontamina ang tubig.
“If you go to laguna lake now naging kay green na yung tubig diyan sa dami ng algae,because this is somewhat unprecedented we were forced to reduced the production of our treatment facilities kasi kailangan ng more frequent cleaning yung aming filters dahil naka-clog ito so may mga pumapasok na algae from laguna lake” ani Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo.
Sa Muntinlupa City, kabilang sa mga lugar na mawawalan ng tubig sa magkakaibang oras ang Barangay Alabang, Cupang Sucat Ayala Alabang, Poblacion, Putatan at Tunasan.
Habang sa Las Piñas, sakop ng water service interruption ang Barangay Almanza Uno, Alamza Dos, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar, Pulang Lupa Dos, Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Kwatro, BF International at CAA.
Sa Parañaque City mawawalan ng tubig ang Barangay BF Homes at San Antonio sa pagitan ng alas-5 ng umaga hanggang alas-2 ng madaling araw.
Ilang mga barangay rin na sakop ng Imus City at Bacoor City sa Cavite ang mawawalan ng tubig mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.
Ayon sa maynilad bagaman mayroon nang schedule ang water service interruption, posibleng mapalawig pa rin ang oras kung kailan maibabalik ang suplay ng tubig. Tatagal ang water service interruption hanggang sa May 14.
Samantala, tiniyak naman ng maynilad na mayroon silang sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga customer sa kabila ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa angat dam.
“Pagdating mula duon sa ating suplay sa angat ok tayo so we have enough supply to last up through the summer months kasi naka hinge lang yan basta hindi babawasan ng nwrd ang alokasyon sa metro manila mula sa angat dam,maynilad should be able to sustain the needs of its customers” ani Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo.
(Joan Nano| Untv News)
Tags: Cavite, Las Piñas, Maynilad customers, Maynilad Water Services, Muntinlupa, paranaque, water interruption
Manila, Philipines – Tumaas ng 10 metro ang lebel ng tubig ng magat dam. Nasa 172.93 meters na ito kahapon alas-6 ng umaga.
Pero ayon sa pagasa, mababa parin ito ng halos 5 metro kung ikukumpara sa rule curve elevation o normal nitong lebel sa ganitong panahon.
“May pagpagulan doon sa may bandang isabela, sa may mountain province. Pag dun umulan papasok sa water reservoir ng magat” ayon kay Dost-Pagasa Weather Specialist II, Edgar Dela Cruz.
Tumaas din ng halos 1 metro ang lebel ng tubig sa Caliraya dam sa Laguna kumpara sa lebel nito kahapon gayun din ang Ipo, Ambuklao at Binga.
Ang la mesa dam ay napako na sa 68.45. Bumaba naman ang water level sa san roque at pantabangan dam. Patuloy din ang pagbaba ng lebel ng tubig sa angat dam na ngayon ay nasa 179.50 meters.
Ayon sa National Water Resources Board (NWRB) , mababa ito sa minimum operating level na 180 meters. Nilinaw naman ng ahensya na ang ganitong lebel ay hindi kritikal para sa supply ng tubig sa Metro Manila kundi para lamang sa mga sakahang umaasa sa dam.
Sa ngayon ay nagpapakawala pa rin ng 38 cubic meters per second (CMS) ang dam para sa metro manila habang 10cms na lamang para sa irigasyon mula sa dating 35cms.
Malalagay sa critical na lebel ang dam kapag tumuntong na ito sa 160 meters. Naitala ang pinakamababang lebel ng angat dam noong July 2010 kung saang sumadsad ito sa 157.55 meters.
“Ang 180 (meters) kasi critical level yan lumalabas para sa irrigation. Kasi nagkakaroon na tayo ng adjustment sa irrigation below that level” ani NWRB Executive Director, Sevillo David Jr.
Sa pagtaya ng nwrb, posibleng bumaba sa 173.52 meters ang lebel ng dam sa katapusan ng Mayo. Dito pag-aaralan na ng ahensya kung babawasan na ang supply ng tubig sa Metro Manila para hindi mahirapang makabawi pagpasok ng tag-ulan.
“4.00- icoconsider din natin yung succeeding months kasi for preparation. One of the is baka magkaroon ng adjustment sa allocation kung kinakailangan if wala pang masyadogn mga ulan na dumarating” pahayag ni NWRB Executive Director, Sevillo David Jr.
Ayon sa pagasa, posibleng sa mayo ay makakaranas na ng mga pagulan ang karamihan sa mga lugar sa bansa subalit posibleng umabot pa sa Agosto ang epekto ng El niño.
(Rey Pelayo | UNTV NEWS)