Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon mababa na sa normal

by Erika Endraca | April 30, 2019 (Tuesday) | 28959

Manila, Philipines – Tumaas ng 10 metro ang lebel ng tubig ng magat dam. Nasa 172.93 meters na ito kahapon alas-6 ng umaga.

Pero ayon sa pagasa, mababa parin ito ng halos 5 metro kung ikukumpara sa rule curve elevation o normal nitong lebel sa ganitong panahon.

“May pagpagulan doon sa may bandang isabela, sa may mountain province. Pag dun umulan papasok sa water reservoir ng magat”  ayon kay Dost-Pagasa Weather Specialist II, Edgar Dela Cruz.

Tumaas din ng halos 1 metro ang lebel ng tubig sa Caliraya dam sa Laguna kumpara sa lebel nito kahapon gayun din ang Ipo, Ambuklao at Binga.

Ang la mesa dam ay napako na sa 68.45. Bumaba naman ang water level sa san roque at pantabangan dam. Patuloy din ang pagbaba ng lebel ng tubig sa angat dam na ngayon ay nasa 179.50 meters.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB) , mababa ito sa minimum operating level na 180 meters. Nilinaw naman ng ahensya na ang ganitong lebel ay hindi kritikal para sa supply ng tubig sa Metro Manila kundi para lamang sa mga sakahang umaasa sa dam.

Sa ngayon ay nagpapakawala pa rin ng 38 cubic meters per second (CMS) ang dam para sa metro manila habang 10cms na lamang para sa irigasyon mula sa dating 35cms.

Malalagay sa critical na lebel ang dam kapag tumuntong na ito sa 160 meters. Naitala ang pinakamababang lebel ng angat dam noong July 2010 kung saang sumadsad ito sa 157.55 meters.

“Ang 180 (meters) kasi critical level yan lumalabas para sa irrigation. Kasi nagkakaroon na tayo ng adjustment sa irrigation below that level” ani NWRB  Executive Director, Sevillo David Jr.

Sa pagtaya ng nwrb, posibleng bumaba sa 173.52 meters ang lebel ng dam sa katapusan ng Mayo. Dito pag-aaralan na ng ahensya kung babawasan na ang supply ng tubig sa Metro Manila para hindi mahirapang makabawi pagpasok ng tag-ulan.

“4.00- icoconsider din natin yung succeeding months kasi for preparation. One of the is baka magkaroon ng adjustment sa allocation kung kinakailangan if wala pang masyadogn mga ulan na dumarating” pahayag ni NWRB  Executive Director, Sevillo David Jr.

Ayon sa pagasa, posibleng sa mayo ay makakaranas na ng mga pagulan ang karamihan sa mga lugar sa bansa subalit posibleng umabot pa sa Agosto ang epekto ng El niño.

(Rey Pelayo | UNTV NEWS)

Tags: , , ,