Ikalawang yugto ng presidential debate, bitin – Sen. Marcos

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 3857

marcos
Iba’t-iba ang reaksyon ng ilang running mate ng mga presidential candidate sa debate sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay Senador Ferdinand Marcos Jr, bitin ang nasabing diskusyon dahil wala si presidential candidate Miriam Santiago.

Ikinalulungkot ng Senador ang kalagayan ng kanyang running mate dahil sa karamdaman nito.

Subalit umaasa si Marcos na makababawi ito sa susunod na debate sa Abril.

May pahayag naman si Senador Alan Peter Cayetano ukol sa pagtatangka ni Vice President Jejomar Binay na baguhin ang rules ng debate.

Ayon kay Cayetano malinaw na na gagawin ng bise presidente ang lahat upang iwasan ang mga alegasyon ng korapsyon sa kanya at sa kanyang anak na si Junjun.

Sinabi naman ni Senador Gregorio Honasan II tumatakbong bise president ni Binay na isusulong ng kanyang running mate ang Peoples Ownership of Government Information o POGI Bill na mas kilala bilang Freedom Of Information Bill.

I-aangat umano nila ang transparency at accountability.

Nagpapasalamat naman ang kampo ni dating DILG Secretary Mar Roxas sa pagsuporta at pakikilahok ng sambayanang Pilipino sa katatapos na debate.

Ayon sa Daang Matuwid Coalition napakagandang pagkakataon ito na maging bahagi ang lahat sa diskusyon kung saan pupunta ang ating bansa sa susunod na anim na taon.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: ,