Mga issue na tatalakayin sa isasagawang presidential debate, inihayag ng COMELEC

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 3074

COMELEC
Sa february 21 isasagawaang una sa tatlong debate na inorganisa ng Commission on Elections para sa mga kumakandidatong pangulo ng Pilipinas.

Sa Cagayan de Oro City sa Mindanao gagawin ang unang presidential debate at kabilang sa mga usaping tatalakayin ay agricultural development, poverty reduction, charter change at peace and order.

Sa March 20 naman ang ikalawang debate sa Visayas at kasama sa mga posibleng pag-usapan ay disaster preparedness at climate change adaptation, healthcare, education at paglaban sa kurapsyon.

Sa Luzon namangagawin ang huling debate sa April 24 at pagtutuunan naman ng pansin ang mga usapin may kinalaman sa traffic and public transportation, electoral and political reforms, foreign policy, tax reform at national defense.

Imbitado sa debate ang lahat ng official candidates sa pagkapangulo.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista sakaling hindi dumating ang kandidato hindi aalisin ang kaniyang upuan kundi iiwanan itong bakante at nakalagay ang kaniyang pangalan.

Sa April 10 naman isasagawa ang vice presidential debate sa metro manila.

Maglalabas din ng guidelines ang COMELEC kaugnay sa presidential at vice presidential debate.

Ayon kay Chairman Bautista, bukod sa mga debateng inorganisa ng poll body, maari pa ring maglunsad ng debate ang ibang grupo subalit kailangan itong ipagpaalam sa komisyon kung magaganap sa panahon ng campaign period.

Sa February 9 ang simula ng campaign period para sa mga national candidate.

Sang-ayon sa fair elections act maaring makapagsagawa ng 3 presidential debate at isang vice presidential debate ang COMELEC.

Huling nakapaglunsad ng debate ang poll body sa pagitan ng mga kandidato noong 1992.

Ngayon myerkules isinagawa ang pirmahan ng memorandum of agreement sa pagitan ng COMELEC, Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas at ng mga media organization na magiging host ng debate.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , ,