Ika-Walong kaso ng Polio galing Mindanao kinumpirma ng DOH

by Erika Endraca | November 26, 2019 (Tuesday) | 50247

METRO MANILA – May naitala nanamang panibagong kaso ng polio ang Department Of Health (DOH) mula sa isang 9 na taong gulang na batang babae sa Mindanao matapos magpositibo sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine and the National Institute of Infectious Diseases .

Ayon sa DOH hindi pa kailanman nakatanggap ng polio virus vaccine ang bata. Sa ngayon nakikipagugnyan na ang DOH sa Bangsamoro autonomus region in Muslim Mindanao-Ministry of Health para sa mas ibayo pang kampanya para sa pagpapabakuna sa Basilan.

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroong sapat na supply bakuna para sa polio virus ang bansa.

Nanawagan rin si Sec. Duque sa mga magulang sa National Capital Region (NCR) at sa buong Mindnao na samantalahin ang isa na namang malawakang pagbabakuna na nagsimula Kahapon (November 25) at tatagal hanggang sa December 7.

“I urge all parents and caregivers of children under five years old to take part in the sabayang patak kontra polio campaign and have their children vaccinated by our health workers”ani DOH Sec. Francisco Duque III.
Sinabi pa ng kalihim na ang vaccination team ay maglilibot sa mga bahay bahay sa bawat baranggay upang matiyak na mabakunahan ang mga bata.

“We are thankful for the participation and continued support of our local government units and communities in this campaign. I am confident that we will be successful in halting this outbreak if we continue to work together and make sure that no child is left unvaccinated,”ani DOH Sec. Francisco Duque III.

(Bernard Dadis | UNTV NEWS)

Tags: ,