Iba’t-ibang grupo, bumuo ng koalisyon laban sa umano’y authoritarian rule pamumuno ni Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | September 19, 2017 (Tuesday) | 3480

Ang pagkabahala sa mga nangyayaring extra judicial killings at ang umano’y kawalan ng pagrespeto sa karapatang pantao at rule of law ang nagbuklod sa ilang mga grupo upang mabuo ang Tindig Pilipinas.

Kabilang sa grupo ang mga dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III, mga miyembro ng Senate minority bloc, independent minority sa Kamara, Magdalo, Akbayan at iba pa.

Bukod sa pagkabahala sa war on drugs ng Duterte Administration, nabuo ang Tindig Pilipinas, upang kontrahin ang umano’y namumuong autoritarianismong pamumuno ng Pangulo. Pinabulaanan naman ni Senator Kiko Pangilinan, na binuo ng Liberal Party ang naturang kilusan upang labanan ang Pangulo.

Sa Huwebes, September 21 ay magsasama-sama ang grupo upang gunitain ang ika-45 anibersaryo ng martial law declaration.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,