Huling debate ng mga presidentiable sa April 24, mas makapagbibigay ng malaking impluwensya sa botante – KBP

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 1472

COMELEC
Nagpulong kahapon sa Commission on Elections main office ang iba’t ibang media organizations bilang paghahanda sa nalalapit na huling debate sa April 24 na gaganapin sa Dagupan, Pangasinan.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, malaki ang naitulong ng mga nasa pribadong sektor dahilan upang maging matagumpay ang mga nakaraang debate.

Pitong mga mahahalagang isyu ang tatalakayin sa darating na debate tulad ng foreign policy, usaping kalusugan, trabaho, Overseas Filipino Workers, usapang pangkapayapaan sa Mindanao, paglutas sa problemang trapiko at edukasyon.

Naniniwala ang Kapisanan ng mga Broadkaster President Herman Basbaño na malaki ang maitutulong ng huling debate na ito upang makilatis na mabuti ng mga botante ang mga kandidato.

Nagbigay na rin ng kumpirmasyon ang limang presidential candidate na dadalo sa huling debate sa darating na Linggo.

(Nel Maribojoc/UNTV RADIO)

Tags: , ,