Higit kalahating bilyong pisong pinsala ng pananim, naitala sa North Cotabato dahil sa tag-tuyot

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 4393
File photo
File photo

Umabot na sa mahigit kalahating bilyong piso ang pinsalang natamo sa sektor ng agrikultura dahil sa nararanasang tagtuyot sa North Cotabato.
Batay sa ulat ng Provincial Agriculture Office,

tinatayang nasa P593 milyon ang pinsala sa mga pananim mula Pebrero hanggang Abril.

Sa mas detalyadong ulat ng ahensya, napinsala ng mataas na temperatura ang nasa 2,427 ektarya ng palay, 22,192 ektarya na maisan at 150 ektarya ng saging.

Apektado rin ng tag-tuyot ang mga high-value crops gaya ng tubo, puno ng goma at cacao.

Dahil dito, nagdeklara na ng state of calamity ang mga bayan ng Kabacan at M’lang.

Kabilang din sa mga bayang apektado ng dry spell ang Matalam, Kidapawan, Magpet, Tulunan, Banisilan, Midsayap at Alamada.

Tags: , , ,