Halos 2,000 nanay at kanilang mga baby, nakibahagi sa “Hakab Na” sa Quezon City

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 7953

Tinipon ang higit sa dalawang libong mga nanay at kanilang babies para sa simultaneous breastfeeding activity sa pangunguna ng Department of Health at breastfeeding Pinays.

Layon nito na ipakita sa buong mundo ang kagandahan ng pagpapasuso. Dumalo rin sa “Hakab na” ang mga lactation experts, peer counselors, at breastfeeding advocacy supporters.

Ibinahagi nila ang kanilang kaalaman at payo sa mga nanay at kanilang pamilya ang kabutihan sa kalusugan at economic benefit ng breastfeeding gayundin kung papaano mapapangalagaan ang kalusugan ng mga baby at mommies.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,