GSIS, inihanda na ang pondo para sa emergency loan ng typhoon-hit members

by Radyo La Verdad | July 27, 2023 (Thursday) | 3629

METRO MANILA – Inihanda na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga pondong gagamitin para sa inaasahang dagsa ng emergency loan applications ng mga miyembro o pensioner na naapektuhan ng bagyong Egay sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso na inihanda na nila ang P6-B na pondo para sa taong ito para makatulong sa kanilang mga miyembrong nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.

Ayon sa ahensya, ang mga nais mag-avail ng emergency loan ay makakukuha ng tulong na mayroon lamang 6% na interest rate na maaaring bayaran sa loob ng 3 taon.

Ang mga kwalipikadong mag-apply sa naturang loan ay ang mga active GSIS member na nakatira o nagha-hanapbuhay sa mga lugar na tinamaan ng bagyo o kalamidad, hindi naka-unpaid leave, walang naka-pending na mga legal case, at nakapaghulog ng 3 monthly premium payments sa nagdaang 6 na buwan.

Wala rin dapat aniya silang outstanding na loan at ang kanilang net take-home pay ay hindi dapat mababa sa halaga na kinakailangan matapos i-deduct ang lahat ng monthly obligations.

Tags: