Bagong programa ng GSIS, nakatakdang ilunsad sa second quarter ng taon

by Radyo La Verdad | March 22, 2024 (Friday) | 704

METRO MANILA – Maglulunsad ng bagong programa ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa kanilang mga members bago magsimula ang second quarter ng taon.

Ito ay ang health insurance para sa mga miyembro ng GSIS upang mabigyan ng mas magandang serbisyo at benepisyo hindi lang ang miyembro kundi pati ang mga pamilya nito.

Sa isinagawang stakeholder’s dialogue (March 21) kahapon, sinabi ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na tinatapos na lang nila ang guidelines bago ipresenta.

Nakatakdang ipresenta ni Veloso sa GSIS Board of Trustees sa susunod na buwan at kapag aprubado na ay agad itong ipatutupad.

Tags: