Panukalang pababain ang optional retirement age ng mga government personnel, isinusulong sa kamara

by Radyo La Verdad | February 1, 2023 (Wednesday) | 4949

METRO MANILA – Ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas para ibaba ang optional retirement age para sa mga government personnel.

Sa botong 268, naipasa ang House Bill No. 206. Layon ng nasabing batas na ibaba ang retirement age mula 60 years old sa 56 years old.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring makatanggap ng retirement benefit ang mga government worker o GSIS worker kung siya ay nasa edad 56 years old.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, mabibigyan ang nasa isang milyong government worker na mag-retire ng mas maaga.

Sa ngayon, isusumite na ang naipasang batas sa senado.

Tags: , , ,