Hindi maaaring apurahin ang proseso ng muling pagpapatuloy sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, may mga bagay na dapat isa-alang alang bago maisapinal kung itutuloy ba o tuluyang kakanselahin ang peace talks.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi pa nila napag-uusapan ng Pangulo ang pagbabalik sa negotiating table ng pamahalaan at National Democratic Front.
Hulyo nang suspindihin ng Pangulo ang peace negotiation matapos tambangan ng npa ang convoy ng Presidential Security Group sa Davao Region. Ngunit ayon kay Government Peace Chief Negotiator Sec. Silvestre Bello III, hindi pa naman pormal na tinuldukan ang usapang pangkapayapaan.
Samantala, suportado naman ng kilusan ng mga MORO at indigenous people o grupong sandugo ang pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng CPP-NDF at pamahalaan.
(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)
Tags: duterte, Lorenzana, peace talks