Government Peace Panel, hinihintay na lang ang kautusan ni Pang. Duterte para sa termination ng peace talks sa CPP/NPA/NDF

by Radyo La Verdad | July 25, 2017 (Tuesday) | 4589


Tuluyan nang nawalan ng gana si Pang. Rodrigo Duterte na makipag-usap sa rebeldeng komunista bunsod na rin ng walang habas nilang opensiba sa pwersa ng pamahalaan.

Ayon kay Government Peace Panel Chief Negotiator Silvestre Bello III, hinihintay na lang nila ang pormal na kautusan ng pangulo upang wakasan ang usapang pangkapayapaan.

Ilalabas naman anila ang written termination notice sa oras na may pinal nang direktiba ang pangulo.

Sa kabilang banda, umaasa si Sec. Bello na magkaroon pa rin ng pagkakatong magkasundo ang pamahalaan at ang mga makakaliwang grupo.

Ayon naman kay CPP founder Jose Maria “Joma” Sison, ang kawalan ng interes ng pangulo ang talagang dahilan kaya hindi na naman magtatagumpay ang usapang pangkapayapaan.

Ipinunto niya ang pagkakaiba ng pananaw pagdating sa isyu ng social, ecomomic at political reforms.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,