Nagpahayag ng pagkabahala si dating President Benigno Aquino III sa mga nangyayaring patayan sa ilalim ng Administrasyong Duterte, kabilang na ang kaso ng grade 11 student na si Kian Delos Santos na napatay sa isang anti-illegal drugs operation ng mga pulis.
Hindi naman mahusgahan ni Aquino kung state sponsored ang mga kasong ito, pero naniniwala siyang tungkulin ng pamahalaan ang maghatid ng hustisya sa mga biktima.
Payo niya kay Duterte, gawing gabay ang konstitusyon at siguruhing mismong ang gobyerno ay sumusunod rin sa batas.
Umaasa naman ang si Aquino na hindi na magiging balat sibuyas si Duterte kapag pinupuna nito ang anti-drug war ng administrasyon.
Matatandaang makailang beses pinaringgan ng Pangulo si Aquino dahil sa mga kumento nito sa kampanya kontra droga.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: Aquino, duterte, konstitusyon