Former Army Chief Lt. Gen. Miranda, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang board member ng BCDA

by Radyo La Verdad | October 6, 2017 (Friday) | 2637

Pormal nang isinalin ni Lt. Gen. Glorioso Miranda ang pamumuno sa 87-thousand force na Philippine Army kay Major General Rolando Bautista.

Subalit di pa man tuluyang nakakapagretiro bilang heneral, itatalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang military official bilang board member ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA. Mag-uumpisa ito sa panibagong tungkulin sa Nobyembre.

Ang BCDA ay isang government-owned and controlled corporation at namamahala sa pagko-convert ng mga dating base-militar upang mapakinabangan sa pagpapaunlad ng ekonomiya tulad ng Bonifacio Global City sa Fort Bonifacio Taguig, at Newport City sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Ayon sa punong ehekutibo, pag-igihan lang ni Miranda ang pagpapatakbo sa BCDA at bahagi ng kikitain ng BCDA ay mapupunta sa kapakanan ng mga sundalo at modernisasyon ng kagamitiang pangmilitar.

Samantala, iginiit naman ni Pangulong Duterte na hindi ito handang makipagusap sa mga makakaliwang grupo at marahil aniya, ibang Pangulo na ang magagawang makipagnegosasyong pangkapayapaan sa kanila.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,