METRO MANILA – Lumabas na “heart respiration failure” due to shock and multiple injuries ang ikinasawi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na pinatay ng kanyang amo sa Kuwait noong nakaraang buwan na si Jeanelyn Villavende base sa unang autopsy na isinagawa sa Kuwait .
Pero nagulat ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nakita nila matapos ang sa re-autopsy sa labi ni Jeanelyn Villavende.
Sa partial result na inihayag ni Dr. Ricardo Rodaje, ang head medico-legal ng NBI lumabas na nawawala ang ilang internal organs nito.
“The victim sustained several or multiple injuries in the body, the front and at the back. And then some organs, vital organs, are missing, especially the brain, and the heart. So yung naiwan lang na organs are the liver the spleen, the kidney at saka yung lungs. And then sa likod ng victim there are a lot of infected wounds at the back of the victim.” ani NBI Medico Legal Head Dr. Ricardo Rodaje.
Tinitignan rin ng NBI ang anggulong rape o panggagahasa sa biktima.
” I get some sample ’tissue sample for histologic examinations, toxicological examinations and the buccal suavings for posible oral sex then annal suaving for possible sodomy, vaginal suaving for possible rape.” ani NBI Medico Legal Head Dr. Ricardo Rodaje.
Sa mga susunod na araw inaasahang maglalabas na ng final result ang NBI sa kung ano ang dahilan ng ikinamatay ni Jeanelyn. Kahapon (Jan. 9) naiuwi na ang labi ni Jeanelyn Villavende sa lugar nito sa Norala South Cotabato.
Samantala, pinaiimbestigahan narin ng Department Of Justice (DOJ) ang mga nasa likod ng recruitment agency ni Jeanelyn. Ito ay upang alamin kung may kapabayaan ba o mga paglabag sa agency na humahawak kay Jeanelyn. Kaugnay nito, tiwala naman ang pamilya Villavende na makakamit nito ang hustisya para kay Jeanelyn.
Nagpapasalamat din ito sa mga tulong na kanilang natanggap mula sa pamahalaan hanggang sa maiuwi ang labi ng Pinay worker. Nakalagak ngayon ang labi ni Jeanelyn sa emerald funeral homes sa Norala South Cotabato. Inaasahan namang bibisita mamaya si Labor Secretary Silvestre Bello III at Norala Mayor Clemente Fedoc.
(Janice Ingente | UNTV News)