PBBM, hinikayat ang mga Pilipino at OFW na suportahan ang MSMEs at ipatikim ang putaheng Pinoy

by Radyo La Verdad | May 6, 2024 (Monday) | 5009

METRO MANILA – Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa mga Pilipino na suportahan ang Micro-Small and Medium-Sized Enterprises (MSMEs).

Sa kaniyang latest vlog, ibinida ni PBBM ang lutuing Pinoy na ngayon ay aniya ay kinikilala na sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dahil dito ay maaaring magdulot ito ng mas maraming turista sa bansa.

Kaya naman bukod sa pagsuporta sa mga maliliit na negosyo, hinikayat ni PBBM ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na ipatikim ang mga putaheng Pinoy sa mga dayuhan.

Tags: , ,