Onion cartel at smuggling o hoarding, iniimbestigahan na ng DOJ at NBI

by Radyo La Verdad | July 7, 2023 (Friday) | 8315

METRO MANILA – Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa cartel, smuggling o hoarding ng sibuyas sa bansa kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), may 7 indibidwal na silang natukoy na nasa likod nito at kung paano minamanipula ang presyo ng sibuyas sa merkado.

Ang pangalan ng mga ito ay kapareho ng lumitaw sa mga nakaraang pagdinig sa kamara.

Dagdag pa ng DOJ, patuloy ang pangangalap ng NBI ng mga ebidensya para sa isasampang reklamo.

Tags: ,