METRO MANILA – Nangunguna pa rin sa napupusuan na maging senatorial candidate para sa 2025 midterm elections si Dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Tangere ngayong buwan.
Sa resulta ng mobile-based survey na isinagawa mula April 10 hangang 13,2024, nakakuha si Duterte ng 56.67% voter preference.
Pangatlong buwan na itong top spot ang dating punong ehekubito sa Tangere 2025 senate survey.
Sumunod naman sa senate poll sina ACT-CIS party-list representative Erwin Tulfo, Senator Bong Go, Former Senator Tito Sotto at ang broadcaster na si Ben Tulfo.
Pasok din sa top 10 sina Senators Pia Cayetano, Imee Marcos, Dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Dating Senador Manny Pacquiao.
Isinagawa ang 2025 senate survey sa pagkalap ng tugon sa 2,400 participants sa buong mundo sa pamamagitan ng isang mobile-based respondent application