E-sabong operations, pinatigil na ni Pang. Duterte

by Radyo La Verdad | May 3, 2022 (Tuesday) | 10105

Matapos makapagsagawa ng pag-aaral si interior Secretary Eduardo Año kaugnay ng social impact ng e-sabong o online cockfighting, nagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang operasyon nito sa bansa epektibo ito ngayong araw, May 3, 2022.

Binanggit ito ng Punong Ehekutibo sa kaniyang recorded public address kaninang umaga.

Ayon sa Pangulo, may nakararating na ulat sa kaniya kaugnay ng matinding epekto ng sugal sa mga pamilya matapos magsagawa ng survey si Sec. Año sa social impact ng e-sabong.

“The recommendation of Secretary Año is to do away with e-sabong. He cited the validation report coming from all sources. So, it’s his recommendation and I agree with it and it’s a good. So e-sabong will end by tonight,” pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte.

Kaya aprubado na aniya ang rekomendasyon ni Sec. Año na itigil na ang e-sabong operations.

“May naririnig ako, loud and very clear to me, it was working against our values, and ‘yung impact sa pamilya, pati sa tao, eh ang labas hindi na natutulog yung mga sabungero 24 hours,” dagdag ni Pang. Duterte.

Sinabi ng Presidente na daan-daang milyong halaga ng buwis para sa gobyerno ang habol ng kaniyang administrasyon kaya pinahintulutan niya ang operasyon nito.

Rosalie Coz | UNTV News

Tags: , ,