PBBM, naglabas ng EO sa suspensyon ng E-sabong operation sa bansa

by Radyo La Verdad | December 30, 2022 (Friday) | 2512

METRO MANILA – Naglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa patuloy na pagpapatigil ng operasyon ng e-sabong sa bansa.

sa ilalim ng Executive Order number 9, binigyang diin ng pangulo ang pangangailangan ng patuloy na suspensyon ng e-sabong.

Inaatasan din ang lahat ng kinauukulang ahensya na hulihin at ipasara ang naturang ilegal na operasyon.

Sasakupin ng suspensyon ang lahat ng online or remote, streamed o broadcast live na mga sabong.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos Junior na may obligasyon ang estado na protektahan ang pampublikong kalusugan at moral, isulong ang public safety at general welfare.

May 3, 2022 nang unang iniutos ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng online cockfighting operations o e-sabong sa bansa.

Tags: ,