Duterte at Diño ipinadidismiss ang petisyon ni Ruben Castor na kumukwestyon sa kanilang kandidatura

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 1733

VICTOR_PINADIDISMISS
Naisumite na ng kampo ni Martin Diño at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanilang memoranda kaugnay sa petisyon ni Ruben Castor laban sa kanila.

Kapwa nanindigan si Diño at Duterte na dapat idismiss ng 1st Division ng Comelec ang petisyon ni Castor.

Sa kanyang petisyon hinihiling ni Castor sa poll body na ideklarang null and void ang Certificate of Candidacy ni Diño at hindi rin balido ang pag-substitute ni Duterte sa kaniya.

Ngunit ayon sa abugado ni Diño mali ang basehan ng reklamo ni castor kaya dapat itong ma-dismiss.

Giit ng kampo ng mga respondent kahit petition for cancellation of coc pa ang isinumite ni castor dapat pa rin itong i dismiss ng comelec dahil inihain ito na lampas na sa deadline ng filing petition to deny due course or cancel coc.

Anila kabilang sa mga dahilan kung bakit dapat balewalain ng komisyon ang petisyon ay ang hindi pagdalo ng kampo ng mga petitioner sa ipinatawag na preliminary conference ng 1st division.

Ayon naman kay Attorney Vitaliano Aguirre, ang abugado ni Duterte, wala na ring saysay ang petisyon ni Castor laban sa COC ni Diño dahil bago pa man naihain ang reklamo ay iniatras na ni Diño ang kanyang kandidatura at pinangalanan si Duterte bilang kaniyang kapalit.

Giit din ni Aguirre, Balido ang substitution ni Duterte kay Diño dahil nanatiling Balido ang COC ni Diño hanggang sa i-atras nito ang kanyang kandidatura.

Ayon sa abugado ni Diño hindi rin sapat na basehan ang nakitang mga depekto sa COC ng kaniyang kliyente upang kanselahin ito ng poll body.

Nakapaghain na rin ng kanilang memoranda ang kampo ni Castor.

Posibleng makapaglabas na rin ng desisyon sa petisyon ang 1st division sa mga susunod na araw.

Subalit bukod sa Castor petition may tatlo pang petisyong nakabinbin sa comelec na kumukwestyon sa kandidatura sa pagkapangulo ni Duterte.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,