10 bayan sa Nueva Ecija, lubog sa tubig baha

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 3291

GRACE_BAHA3
Nagdulot ng malawakang pagbaha sa sampung bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija ang walang tigil na pag-ulan bunsod ng bagyong Nona.

Simula pa kahapon ay halos tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa Nueva Ecija, dahil dito lubog na sa baha ang mga nasa mabababang lugar sa lalawigan.

Kabilang dito ang Sta.Rosa,Böngabon,Gabaldon,Llanera,Talavera,Aliaga,Peñaranda,
Gapan,San Leonardo at San Isidro.

Sa sampung 10 barangay sa Cabanatuan city karamihan ay hanggang beywang na ang taas ng tubig baha.

Pinayuhan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga residente malapit sa mga ilog na magsilikas na upang huwag ng maapektuhan sakaling umapaw ito.

Sa Rizal Nueva Ecija halos nagmistulang dagat na ang lugar dahil sa baha, ang Pantabagan Road na nagdudugtong sa Nueva Ecija at Aurora hindi na madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Sa kabila nito, bagamat tumaas ang lebel ng tubig sa Pantabagan dam, nasa comfortable level o ligtas na lebel pa rin ito.

Sa kasalukuyan ay umabot pa lamang sa 205.47 meters ang lebel ng tubig sa dam na malayo pa sa critical level na 221 meters.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,