DOH, pagpapaliwanagin sa Senado kaugnay ng P20-billion na natenggang mga gamot

by Radyo La Verdad | August 2, 2019 (Friday) | 7083

Naghain ng resolusyon si Senator Sonny Angara na layong imbestigahan ang maraming nakaimbak na gamot sa warehouse ng Department of Health na nagkakahalaga ng dalawampung bilyong piso.

Batay aniya sa Commission on Audit report noong 2018, 18 billion pesos na halaga ng gamot ang nakatengga lamang sa mga warehouse na ilan dito ay malapit nang mag-expire.

Natuklasan rin ng COA, na 30 million pesos na halaga ng gamot na naipamahagi sa ilang centers for health development, treatment sa rehabilitation centers at ospital ay expired na.

Sa twitter post ni Senate President Vicente Sotto III, sinabi nito na ito ang dahilan kaya lagi niyang pinapatapyasan ang budget ng DOH sa mga gamot.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,