DOH, nagbabala sa publiko sa “wild” diseases tuwing tag- ulan sa bansa

by Erika Endraca | May 29, 2019 (Wednesday) | 4140

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa tinatawag na “wild” disease o mga sakit na ma-aaring makuha ngayong papasok na ang tag-ulan tulad ng mga sakit na water- borne diseases, influenza, leptospirosis at dengue.

Ang water-borne diseases ay mga sakit na nakukuha kapag nakainom ng kontaminadong tubig o pagkain gaya ng cholera at thyphoid fever. Ilang sintomas ng cholera ay pagtatae, pagsusuka at dehydration. Mataas na lagnat, sakit ng ulo at pagtatae rin ang sintomas ng thypoid fever.

Ang influenza o trangkaso naman ay may sintomas na lagnat, ubo at sipon. Bunsod ito ng mabilis na pagkalat ng flu virus dahil sa halumigmig at pagbaba ng temperatura.

Ang leptospirosis naman, na isang bacterial infection, ay nakukuha sa tubig baha na may halong ihi ng daga. Kadalasan itong nakukuha ng mga may sugat na lumulusong sa baha.

Payo ng doh, kailangan mabigyan ng reseta ng antibiotic ang mga taong madalas lumusong sa baha upang makaiwas sa leptospirosis.

Sa tala ng ahensya  mula Enero hanggang May 11 ngayong taon, umabot na sa mahigit 74,000 ang dengue cases sa bansa. Ina-asahan ng doh na tataas pa ito pagsapit ng tag-ulan.

“Iyong mga hospitals natin ready na iyan kapag ganitong tag- ulan. We have dengue lanes ntin ia- activate na natin iyan at siyempre iyong mga gamot natin na naka- stock hindi lang para sa dengue, para sa leptospirosis din. Pagdating ng unang baha natin ito usually iyong most dangerous.” ani DOH Spokesperson Eric Domingo.

Paalala ng doh sa publiko, tanggalin ang mga nakatenggang tubig sa kapaligiran upang hindi pamugaran ng mga lamok na may dengue virus.

“We have to protect the children, kapag magpapasukan na sana po pasuotin ng damit na protektado sila, pantalon, mga longsleeves. Lagyan ng insect repellant. To make sure na hindi makagat ang mga bata during the day.” ani ani DOH Spokesperson Eric Domingo.

Mahigipit din na paalala ng doh sa publiko na huwag bastat uminom ng anomang gamot lalo na ng antibiotics kapag inuubo, nilalagnat at sinispon.

Ito ay upang maiwasan ang anti- microbial resistance kung saan hindi na tumatalab ang isang gamot upang puksain ang mikrobyo o parasite sa katawan ng isang tao.

“Ang pag- inom po ng maling antiibiotic at pag- take niyo ng hindi tamang schedule ay maaring maging sanhi para magkaroon tayo ng anti- microbila resistance at ito is one of the challeneges na nakikita natin hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo in the next few years.” ani ani DOH Spokesperson Eric Domingo.

Samantala, maiging kumonsulta muna sa doktor anomang uri ng sakit ang nararamdaman.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , ,