METRO MANILA, Philippines – Itinuturing ng Department of Health na “flu season” ang buwan ng Disyembre hanggang Pebrero dahil bahagyang may pagbabago ang klima ng bansa na kung minsan ay malamig at kung minsan naman ay mainit.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, ito ang dahilan kaya marami ngayon ang may sipon, ubo at nilalagnat na mga sintomas ng flu o trangkaso.
Pero wala umanong pneumonia outbreak sa bansa na gaya ng pangamba ng ilan, “wala naman, ang pneumona kasi complication iyan ng flu. So kapag mahina ang katawan, may mga pasyenteng nauuwi sa pneumonia at hindi naman ganoon kadami,” ani Domingo.
Katunayan aniya, batay sa ulat ng DOH ay mas mababa ng 13 porsyento ang naitalang kaso ng flu simula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng 2018 kumpara sa kaparehas na panahon noong 2017.
Ayon pa sa Kagawaran, mabilis aniyang kapitan ng flu ang mga kabataan at matatanda lalo na ang mga may sakit sa puso at diabetes. Kaya dapat anila na magpaturok ng flu vaccine.
Narito ang payo ng mga eksperto para makaiwas magkasakit:
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Department of Health, flu season, pneumonia, pneumonia outbreak, undersecretary eric domingo