DOH, bumista sa ilang lugar sa Maynila upang isulong ang ligtas na pagdiriwangng pagpapalit ng taon

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 1935

PAPUTOK
Inilunsad na ng Department of Health ang kampanya nitong iwas paputok na humihikayat sa publiko na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa datos ng DOH, 37 percent o 228 ng mga biktima ng paputok sa NCR ay nanggaling sa Maynila.

Kaya naman bago pumasok ang 2016, bumisita ang DOH sa Tondo kung saan kalahati ng mga naitalang naputukan sa Maynila noong 2014 ay dito nanggaling.

Ang Tondo ang nagsilbing kick off ng DOH dito, binuksan ng doh ang kick off sa kampanya nitong iwas paputok na humihikayat sa publiko na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa halip ay gumamit na lamang ng ibang pampaingay tulad ng kaldero, radyo, o torotot.

O kaya, ay magdaos na lamang ng community street dance o pumunta sa mga community fire works display tulad nang sa Mall of Asia Arena.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng maynila sa DOH kaugnay ng pagpapababa ng bilang ng mga napuputukan sa tuwing bagong taon

Samantala, umabot na sa apat ang bilang ng mga firecracker at firework related injuries sa bansa.

Ayon kay DOH Sec. Janet Garin, ang dalawang naputukan ay taga- Rizal at ang dalawang iba pa ay sa Isabela at Nueva Vizcaya.

Sinabi ni Garin na bagamat bumaba noong 2014 ang kaso ng mga firecracker related injuries, marami paring bilang ng mga bata biktima ng papaputok, lalo na ng piccolo.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,