Department of Health magsasagawa ng libreng vaccination kontra Human Pappiloma Virus sa probinsya ng Masbate

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 1919

GERRY_HPV
Simula ngayong buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre ay magibibigay ng libreng pagbabakuna ang Department of Health kontra sa HPV o Human Papilloma Virus sa buong lalawigan ng Masbate.

Ayon sa guidelines at implementation ng HPV vaccination mula edad siyam hanggang sampung taong gulang na batang babae ang kanilang babakuhan.

Pagkalipas ng anim na buwan muling babalik sa health center ang mga binakunahan upang mabigyan ng second dose ng HPV vaccine.

Ang Human Papilloma Virus ay virus na nagiging sanhi ng Cervical cancer sa mga kababaihan.

Batay sa tala ng DOH labindalawang kababaihan sa bansa ang namamatay bawat araw dahil sa sakit na Cervical cancer.

Sa animnalibong na-diagnose sa sakit na ito, mahigit apatnalibo tatlong daan ang namamatay.

Umaabot naman sa daanglibo halaga ang nagagastos sa pagpapagamot ng sakit na ito.

Panawagan ng DOH sa mga magulang na pumunta sa barangay health centers upang mapabakunahan ang kanilang mga anak kontra HPV.

Isinasagawa ng DOH ang libreng pagbabakuna upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng Cervical cancer sa bansa.(Gerry Galicia/UNTV Correspondent)

Tags: , ,