Dengue express lanes sa mga Government hospitals, muling binuhay ng DOH

by Radyo La Verdad | September 28, 2015 (Monday) | 1301

LYNDON-LEE-SUY
Batay sa datos ng Department of Health tumaas ng 16.5 percent mga nagkasakit ng dengue sa buong bansa mula Enero hanggang September 5 ngayong taon kumpara sa katulad na panahon nang nakaraang taon.

233 na ang nasasawi ngayong taon dahil sa dengue.

Karamihan sa mga na-degue ay lima hanggang labing apat na taong gulang.

Pinakamarami ang biktima sa Calabarzon, kasunod ang Central Luzon, pumapangatlo ang National Capital Region sumunod ang Ilocos Region at Central Mindanao.

Kaya upang mas matutukan ang mga ngkakasakit ng dengue muling binuhay ng Department of Health ang dengue express lane sa mga pampublikong pagamutan.

Taun-taon anya activate ng Health Department ang express lane, lalo na sa panahon na mataas ang bilang ng nagkakasakit ng dengue.

Ayon sa DOH, may epekto ang umiiral na El Nino sa bansa sa pagtaas ng bilang ng dengue cases.

Paalala ng kagawaran,kahit na anong panahon sa buong taon ay malaki ang posibilidad na magkasakit ng dengue kaya panatilihing malinis ang kapaligiran at siguruhing walang pamumugaran ang mga lamok sa paligid.

Kapag may lagnat kailangang kumunsulta kaagad sa pinakamalapit na klinika sa inyong lugar. (Victor Cosare / UNTV News)

Tags: