Tahasang pinabulaanan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang mga alegasyong binabato sa kaniya sa pagharap nito sa Senate hearing kanina, partikular na ang pagkakasangkot niya sa Davao group na umanoy isa sa mga big players sa Bureau of Customs.
Itinanggi rin nila ng bayaw na si Attorney Manases Carpio na sangkot sila sa mga ilegal na gawain. Sa kabila nito, may panibagong paratang si Senator Antonio Trillanes.
Aniya, miyembro naman umano ng isang triad ang Presidential son. Hinamon pa ng senador ang Vice Mayor na ipakita ito at ipakumpirma sa otoridad.
Naungkat din kanina ang mga bank accounts nina Duterte at Carpio. Kung saan ayon sa senador, umaabot sa kabuuang 104 million pesos ang bank deposits ni Paolo. Hindi rin kumagat ang dalawa sa hamon ni Trillanes na lumagda sila sa bank waiver.
Ayon sa abogado ni Vice Mayor Duterte, walang basehan ang mga paratang ni Trillanes. Dagdag pa ng kampo ng Vice Mayor, pawang black proganda lamang ito laban sa anak ng Presidente dahil hindi umano nagtagumpay ang senador sa paninira laban kay Pangulong Duterte.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: Atty. Mans Carpio, duterte, Tara