Dating teacher sa Negros na walang trabaho, napagkalooban ng munting tindahan ng SB at MCGI

by Radyo La Verdad | February 22, 2022 (Tuesday) | 30680

Pinuntahan ng Serbisyong Bayanihan (SB) team ang Manduae City, Cebu nitong Biyernes (February 18) upang bisitahin at kumustahin si teacher Clairesean Paul Facultad at ang kaniyang tindahang bigay ng MCGI Cares at programang SB.

Answered prayer para kay teacher Clairesean ang pagkakaroon ng munting tindahan, pagkakakitaan ang isa sa pangunahing daing niya sa Panginoon.

Ayon kay Clairesean bago pa magka pandemya ay tumigil ito sa pagtuturo at lumuwas pa Cebu para maghanap ng trabaho, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya natatawagan.

Bagamat binata, dahil ulila na sa magulang ang pamilya ni Clairesean, bilang kuya siya na ang tumatayong magulang sa kaniyang pamilyadong kapatid na kapos din sa buhay.

Kaya sa kabila ng kakulangan sa pinansyal at maitutulong sa pamilya ay nagbakasakali ang dating guro na mag-comment sa Facebook page ng programa at laking tuwa nito ng siya’y matugunan na.

“Salamat po unang-una sa Panginoon sa ibinigay niya saakin, yung prayers ko na-granted na talaga at ginawa niyang instrumento ang MCGI na bukas ang loob na tumutulong sa kapuwa tao na katulad ko na ngayon ay wala pang mapagkakakitaan po.” ani Teacher Clairesean Paul Facultad.

Samantala, pinaplano ni teacher Clairesean na palakihin ang naipagkaloob sa kaniyang tindahan para mas makatulong at mabigyan ng kapital ang pamilyang naiwan niya sa Negros.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: