DAR Sec. Rafael Mariano, hindi nakapasa sa Commission on Appointments

by Radyo La Verdad | September 7, 2017 (Thursday) | 8556

Muling naungkat sa ikatlong pagharap ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa Commission on Appointments ang kaniyang pagkakaugnay sa makakaliwang grupo.

Sa pagtatanong kahapon ni Occidental Mindoro Representative Josephine Ramirez Sato, tinakalay ang isang akusasyon na may kaugnayan umano ang kalihim sa planong pag-atake ng CPP-NPA-NDF sa Lapanday Group of Companies noong April 2017 sa Davao City at Panabo City.

Ito ay batay na rin sa Joint Resolusyon Regional Development Council na nilagdaan nina Davao City Mayor Sara Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana, ngunit mariin naman itong itinanggi ni Mariano.

Matapos ang deliberasyon, sa botong labintatlo, hindi inaprubahan ang appointment ng kalihim. Emosyonal naman ang ilang empleyado ng DAR nang marinig ang desisyon. Ikinalungkot naman ng Malakanyang ang rejection ng C.A. kay Secretary Mariano.

Pang-apat na si Mariano sa naging miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na nireject ng C.A. kabilang na sina dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo, dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay at Environment Secretary Gina Lopez.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,