Daan-daan nagkilos protesta sa Minnesota kasunod ng ikalawang fatal police shooting sa US

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 1911
Daan-daan nagkilos protesta sa Minnesota (REUTERS)
Daan-daan nagkilos protesta sa Minnesota (REUTERS)

Daan-daang protesters ang nag-tipon sa harap ng mansion ng gobernador ng Minnesota.

Ipinoprotesta nila ang ginawang pamamaril ng isang pulis na ikinamatay ng isang African.

Ito ang ikalawang fatal shooting sa isang blackman sa loob ng dalawang araw na ikinagalit ng marami sa United States.

Kinilala ang blackman na si Philando Castile, talumpu’t dalawang taong gulang kasama ang kanyang apat na taong gulang na anak na babae sa loob ng sasakyan.

Ang pagpatay kay Castile ay ipinost ng kanyang girlfriend ilang minuto lamang makalipas ang insidente ng live.

Ipinag-utos na ng Minnesota governor ang imbestigasyon sa insidente.’

Naganap ang pamamaril kay Castile isang araw matapos na barilin ang 37 year-old na si Alton Sterling sa Baton Rouge.

Ayon kay US President Barack Obama isang trahedya ang pagkamatay ng dalawa at dapat ikabahala ito ng mga Americans.

Tags: , ,